
April 29, 2011, halos lahat ng local channels sa Pilipinas ay isa lang ang palabas; kasal nina Kate at William. Nakakapagtaka lang kung bakit sa dami ng problema sa Pilipinas ay ito pa ang napili nilang ibalita, may mga special pa sila tungkol dito. May mga countdown to wedding pa at mga pre-wedding news pa sila, ang mga gown, mga bisita at kung ano ano pa.
Kung ang oras na ginamit nila para ipalabas ang isang bagay na malayo naman sa karanasang Pilipino ay ginamit na lang nila para ibalita ang mga bagay na tayo ay direktang apektado. Tulad halimbawa ng pagbibitiw ni Merceditas Guitierrez na nangyari din ng araw na iyon. Kaso lang nasabay iyon sa kasal nina Kate at William. Kaya sorry na lang ang mga hindi nakakaalam.
Pero dahil nangyari na ang nangyari at ang balita sa telebisyon at mga pahayagan ay parte pa rin ng isang malaking negosyo ay ok na siguro yun. Halos wala din naman nakapansin dahil abala ang lahat ng tao na abangan ang halikan ng dalawang taong kinasal gamit ang kaban ng kanilang bayan.
Balik tayo sa unang katanungan: "Bakit sobrang interesado ng mga Pilipino sa kasal nina Kate at William?" Ito ang ilang sagot ko sa tanong ko.
Pero dahil nangyari na ang nangyari at ang balita sa telebisyon at mga pahayagan ay parte pa rin ng isang malaking negosyo ay ok na siguro yun. Halos wala din naman nakapansin dahil abala ang lahat ng tao na abangan ang halikan ng dalawang taong kinasal gamit ang kaban ng kanilang bayan.
Balik tayo sa unang katanungan: "Bakit sobrang interesado ng mga Pilipino sa kasal nina Kate at William?" Ito ang ilang sagot ko sa tanong ko.
- Dahil kina Jasmin, Aurora, Cinderella, Fiona, at GMA a.k.a Dwarfina.
Dahil tayo ay pinalaki sa mga kanluraning kwento tungkol sa mga prinsipe at mga prinsesa, kaya ganun na lamang siguro ang pagkahumaling nating mga Pilipino sa mga dugong bughaw. Masyado tayong nasisilaw sa kanilang magagarang kasuotan at sa kanilang mga tradisyon na banyaga sa ating kultura ngunit pasok sa patok na panlasa, na kung tutuusin ay mas maganda pang panuorin ang katutubong kasal ng ating mga kapatid sa kabundukan, yun ay kung naiintindihan mo ang kanilang ginagawa at hindi ka tatawa sa kanilang mga ginagawa.
- Dahil baka isang araw dumating ang mga Aliens.
- Dahil wala lang, romantiko lang talaga ang mga Pilipino.
Dahil masaya na ang mga tao na makakita ng isang magarbong kasal. Na hindi natin nakikita araw araw. Dahil sa magagandang palamuti at mga nagkikintabang adorno, engrandeng gayak ng kasal nina kate at william at panandaliang nakalimutan ng mga Pilipino kung gaano kahirap mabuhay sa mundo.
Kung ano pa mang dahilan, sana naman ay hindi natin masyadong pinagaksayahan ng panahon ang kasal na iyon; gayung hindi naman tayo (gaanong) apektado doon. Marami pa ang nangyayari sa buhay sa Pilipinas, sana ay gamitin natin ang kapagyarihan na magbalita sa tamang paraan.
No comments:
Post a Comment